Adidas KOTR Race Result and Discussion

Wala po rito ang opisyal ng resulta para sa Adidas Hari ng Kalsada. Bagkus ito ay isang panawagan sa mga taong masyado nang nasisilaw ng mga hits o punto para sa pansariling blog. Natatandaan ko pa po nung ako’y nagsimula na aking blog, lubos ang aking kaligayan at may halong kaba na baka wala bumasa dito.. πŸ˜€ Ngunit hindi ito pumigil sa akin upang magsimula ng blog, at ito ay aking tinuloy pa rin. Noong magsimula ako ay wala pa akong kaalam alam sa mga tinatawag na hits, ako’y nagpo-post lang ng aking mga karanasan upang makapagbahagi rin para sa ibang tao. Yun lang! πŸ™‚

Ang aking pinagtataka lang ay kung bakit ngayon ay may mga tao nang nanlilinlang sa kanilang mga mambabasa? Magpo-post sila sa ilalim ng mga interesanteng mga titulo na hindi naman tungkol doon ang laman. Paano nila nagagawang lituhin ang mga taga sunod nila? Dahil ba sa mga hits, dahil may kikitain ang isang tao dito? Ginagawa mo nang katawatawa ang pagblo-blog. At pati na rin ang pagkuha ng mga impormasyon sa ibang blog para lang may ipost sa iyong blog ay ginagawa mo na rin. Maging responsable sana tayo sa ating mga aksyon.

NO! to Copy and Paste! (mula sa isang blog patungo sa isa na walang pasintabi)

YES! Watermarking (upang mapangalagaan ang inyo mga pinaghirapang kunan na mga litrato)

Advertisements

3 thoughts on “Adidas KOTR Race Result and Discussion

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s